The Gewds

This is one of the best inspirational speeches I’ve seen in my lifetime. Still gives me the shivers up + down the spine.

tumbling down


>
So ganito ang usual na mukha ko sa tarbaho. Pagod. Tuyo ang labi. May bakas na ng bigoteng laging tinatabas. Pero ‘pag gametime, gametime. Taas ang kilay, mayabang ang mga balikat at may mapanuring titig. May word ang mga bading para sa ganung karakas: FIERCE!
>
E ano nga bang ginagawa ko rito sa tumblr? Well, matagal-tagal na rin akong ‘di sumusulat na ‘di para sa komersyo. Kaya’t heto, sinusubukan ang bagong tinutunghayan ng mga taong may say sa aking pamantayan.
>
E ano naman ang kaugnayan ng intro ko tungkol sa pagod kong mukha? Wala. Trip lang. Parang blog na ito — trip-trip lang. Minsan seryoso. Minsan pang-gago. Parang kausap mo ang katropa mo matapos ang ilang bote ng alkohol. Minsan mag-i-Ingles. Minsan magta-Tagalog. Minsan magrereklamo. Minsan mampupuri. Ng tao, bagay o hayup na meron, wala o tinanggalan ng puri.
>
Hindi naman ako lasing ngayon. Puyat lang, tulad ng nasa poto. See? Excuse lang ang buong post na ito para makabuwelo. “Hi” sa inyong lahat at “hello” sa mga nahihilo. So habang tinatanggap ninyo ako rito, i’ll be tumbling down my bed, knowing I’ve finally arrived at Tumblr.